datahubz


best buys fare price

News

  • Published and Filed under News



  • Si Rodrigo “Rody” Roa Duterte ay ipinanganak noong ika-28 ng Marso taong 1945. Siya ay isang Pilipinong abogado, politiko, at ang ika-16 at kasalukuyang Presidente ng Pilipinas. Kilala rin siya sa pangalang Digong, Siya ang unang pangulo mula sa Mindanao at ang pinakamatandang naging presidente sa kasaysayan ng Pilipinas sa edad na 71 (dating rekord na hawak ni Sergio Osmeña sa edad na 65).

    Talmbuhay ni Digong Duterte, Talmbuhay ni Duterte

    President Rodrigo Duterte in Malacanang

    Nag-aral si Duterte ng Political Science sa Lyceum of the Philippines University at nagtapos noong taong 1968. Tinapos naman niya ang kanyang abogasiya noong taong 1972 sa San Beda College of Law. Pagkatapos nito ay nagtrabaho siya bilang abogado at taga-usig ng Davao City, isa sa pinakamalaking lungsod ng Pilipinas. Si Duterte ay naging bise mayor ng Davao City bago naging alkalde ng lungsod noong 1986. Isa siya sa mga alkalde ng Pilipinas na may pinakamahabang nagugol sa serbisyo, umabot ito ng pitong termino at higit na 22 na taon.

    Noong May 9, 2016, nanalo si Duterte sa halalan bilang pagkapangulo. Nakakuha siya ng 39.01% ng mga boto laban sa katunggali na si Mar Roxas mula sa Liberal party. Sa kanyang kampanya, ipinangako niyang mababawasan ang krimen sa pamamagitan ng pagpatay sa libu-libong mga kriminal. Ang kanyang domestic policy ay nakatutok sa paglaban sa iligal na droga sa pamamagitan ng pagtugis sa mga pinaghihinalaang nagbebenta at gumagamit ng droga. Noong Abril 2017, tinatayang higit 7,000 katao ang namatay mula sa mga lehitimong operasyon ng pulisya at vigilante-style killings. Si Duterte na binansagang “The Punisher” ng Time magazine, ay iniuugnay rin ng Amnesty International at Human Rights Watch sa ekstrahudisyal na pamamaslang sa higit 1,400 na pinaghihinalaang kriminal gamit ang vigilante death squads sa panahong ito ay alkalde pa ng Davao.

    Duterte time magazine, Duterte biography

    Rodrigo Duterte in Time Magazine cover

    Pagkapangulo

    Noong Nobyembre 21 taong 2015, sa isang pribadong pagtitipon sa San Beda College of Law, pormal na inihayag ni Duterte ang kanyang intensiyong tumakbo bilang pangulo sa halalan ng 2016. Tinanggap rin niya ang alok ni Alan Peter Cayetano na maging running mate sa darating na eleksyon. Sa kanyang kampanya ay sinabi niya na gusto niyang ipatupad ang isang pederal na parlamentaryong anyo ng pamahalaan. Siya rin ay nangakong papatayin ang libu-libong mga kriminal, at supilin ang krimen sa loob ng anim na buwan. Noong ika-30 ng Mayo taong 2016, inihayag ng  Ika-16 na Kongreso ng Pilipinas si Duterte bilang bagong halal na Pangulo ng Pilipinas matapos siyang makakuha ng 16,601,997 na boto, na halos pitong milyong higit pa kaysa sa kanyang pinakamalapit na kalaban. Si Camarines Sur representative Leni Robredo sa kabilang banda, ay inihayag na Bise Presidente ng Pilipinas na may 14,418,817 votes.

    -->

    Si Rodrigo “Rody” Roa Duterte ay ipinanganak noong ika-28 ng Marso taong 1945. Siya ay isang Pilipinong abogado, politiko, at ang ika-16 at kasalukuyang Presidente ng Pilipinas. Kilala rin siya sa pangalang Digong, Siya ang unang pangulo mula sa Mindanao at ang pinakamatandang naging presidente sa kasaysayan ng Pilipinas sa edad na 71 (dating rekord […]



    Si Ferdinand Edralin Marcos ay ang ika-10 Pangulo ng Republika ng Pilipinas mula 30 ng Disyembre 1965 hanggang ika-25 ng Pebrero 1986. Siya ay isinilang noong Setyembre 11, 1917 sa Sarrat, Ilocos Norte. Si Marcos ay nag-aral sa Maynila at nag-aral ng abugasya noong mga huling taon ng 1930 sa Unibersidad ng Maynila. Nilitis siya para sa pagpatay sa kalaban sa pulitika ng kanyang ama noong 1933 at napatunayang nagkasala noong Nobyembre 1939. Umapela siya sa Korte Suprema ng Pilipinas at napawalang-sala pagkalipas ng isang taon.

    Ferdinand Edralin Marcos

    Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig siya ay naging isang opisyal sa armadong pwersa ng Pilipinas. Ang pag-angkin ni Marcos na siya ay naging lider sa kilusang gerilya ng Pilipinas ay isang mahalagang kadahilanan sa kanyang tagumpay sa pulitika, ngunit ipinahayag ng mga tala ng gobyerno ng Estados Unidos na siya ay may maliit papel o hindi talaga bahagi sa mga gawaing kontra Hapon noong 1942-1945.

    Mula 1946 hanggang 1947 si Marcos ay naging technical assistant ni Manuel Roxas, ang unang pangulo ng malayang republika ng Pilipinas. Siya ay miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas (1949-59), ng Senado (1959-65) at nagsilbi bilang pangulo ng Senado (1963-65). Noong 1965, si Marcos, na isang kilalang miyembro ng Liberal Party na itinatag ni Roxas, ay tumiwalag dito matapos mabigo na makuha ang nominasyon ng kanyang partido para sa pagka pangulo. Pagkatapos ay tumakbo siya bilang kandidato ng Nasyonalista para sa pangulo laban sa pangulo ng Liberal, si Diosdado Macapagal. Nanalo si Marcos at itinalaga bilang pangulo noong Disyembre 30, 1965. Noong 1969 siya ay muling nahalal at naging unang pangulo ng Pilipinas na naglingkod sa ikalawang termino. Sa panahon ng kanyang unang termino ay nagawa niyang mapabuti ang estado ng agrikultura, industriya, at edukasyon. Ngunit ang kanyang administrasyon ay magulo dahil na rin sa dumaraming demonstrasyon at marahas na mga aktibidad ng mga gerilya.

    Noong Setyembre 21, 1972, ipinataw ni Marcos ang Batas Militar sa Pilipinas, dahil na rin sa pagkilos ng mga komunista upang pabagsakin ang gobyerno. Ipinabilanggo ni Marcos ang mga oposisyong pulitiko at ang armadong pwersa ng Pilipinas ay naging armado ng rehimen. Si Marcos ay binatikos ng mga lider ng simbahan at sinalungat ng mga lider ng politika- lalo na ni Benigno Aquino, Jr., na ibinilanggo at ipiniit sa loob ng halos walong taon. Sa mga lalawigan ng mga komunistang Maoist (Bagong Hukbong Bayan) at mga separatistang Muslim (lalo na ng Moro National Liberation Front) nagsagawa ng mga girilyang pagkilos upang pabagsakin ang sentral na pamahalaan. Sa ilalim ng batas militar ang pangulo ay nagtatag ng mga pambihirang kapangyarihan, kabilang ang kakayahang isuspinde ang “writ of habeas corpus”. Ipinahayag ni Marcos ang katapusan ng batas militar noong Enero 1981, ngunit patuloy siyang namamahala sa isang awtoritarian na paraan sa pamamagitan ng iba’t ibang anyo ng saligang batas. Nanalo siya sa halalan sa bagong nalikhang poste ng pangulo noong Hunyo 1981.

    Ang asawa ni Marcos mula 1954 ay si Imelda Romuáldez Marcos, isang dating beauty queen. Si Imelda ay naging isang makapangyarihang pigura pagkatapos simulan ang martial law noong 1972. Madalas siyang mabatikos dahil sa kanyang pagtalaga sa kanyang mga kamag-anak sa mahahalagang posisyon sa gobyerno, habang siya naman ay gobernador ng Metropolitan Manila (1975-86) at ministro ng mga pamayanan ng tao at Ekolohiya (1979-86).

    Ang mga huling taon ni Marcos sa kapangyarihan ay nasira dahil sa laganap na korapsyon sa gobyerno, ekonomiyang hindi umuunlad, patuloy na hindi pagkakapantay-pantay sa pagitan ng mayayaman at mahihirap, at ang tuluyang paglago ng rebolusyonaryong gerilyang komunista na aktibo sa mga rural na lugar sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas.

    Noong 1983 ang kalusugan ni Marcos ay nagsimulang bumagsak, at ang mga sumasalungat sa kanyang pamamahala ay dumami. Noong Agosto 21, 1983, bumalik sa Maynila si Benigno Aquino, Jr. upang magbigay ng alternatibo laban kay Marcos at sa lalong lumalakas sa New Poeple’s Army (NPA). Ngunit siya ay binaril at napatay sa pagbaba niya sa eroplano. Ang pagpatay ay nakita bilang gawain ng pamahalaan at naging sanhi ng malawakang protesta laban sa gobyerno. Isang independiyenteng komisyon na hinirang ni Marcos ang nagpatibay noong 1984 na mga matataas na opisyal ng militar ang responsable sa pagpatay kay Aquino. Upang muling ipahayag ang kanyang mandato, nagtawag si Marcos ng bagong halalan sa pagkapangulo. Ngunit isang matinding kalaban sa pulitika ang lumitaw, ang biyuda ni Aquino, si Corazon Aquino, na naging kandidato ng oposisyon para pagka presidente. Pinaniniwalaan ng marami na nakuhang talunin ni Marcos si Aquino dahil lamang sa napakalaking pandaraya sa pagboto ng kanyang mga tagasuporta sa halalan noong Pebrero 7, 1986. Habang labis na pinawalang-saysay sa sariling bayan at sa ibang bansa ang kanyang kahina-hinalang pagkapanalo sa eleksiyon, mahigpit na pinananatili ni Marcos ang kanyang pagkapangulo habang nahati ang militar ng Pilipinas sa pagitan ng mga tagasuporta niya at ng lehitimong karapatan ni Aquino sa pagkapangulo. Natapos lamang ang isang matinding sagupaan na naganap sa pagitan ng dalawang panig noong si Marcos ay umalis sa bansa noong Pebrero 25, 1986, sa paghimok ng Estados Unidos. Tumakas siya papuntang Hawaii, kung saan siya ay nanatili hanggang sa kanyang kamatayan noong September 28, 1989.

    -->

    Si Ferdinand Edralin Marcos ay ang ika-10 Pangulo ng Republika ng Pilipinas mula 30 ng Disyembre 1965 hanggang ika-25 ng Pebrero 1986. Siya ay isinilang noong Setyembre 11, 1917 sa Sarrat, Ilocos Norte. Si Marcos ay nag-aral sa Maynila at nag-aral ng abugasya noong mga huling taon ng 1930 sa Unibersidad ng Maynila. Nilitis siya […]



    Ang ika-anim na pangulo ng Pilipinas, si Elpidio Quirino, ay isinilang noong Nobyembre 16, 1890 sa Vigan, Ilocos Sur. Natapos niya ang kanyang antas sa batas sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1915. Nagsimula ang kanyang misyon na tumulong sa kapwa nang siya ay naging guro sa isang baryo sa Vigan, at sinundan ng isang katungkulan sa Kawanihan ng mga Lupain. Siya ay naging property clerk sa Departamento ng Pulis Maynila, at pagkatapos ay naging pribadong kalihim ni Manuel Quezon, na noo’y Pangulo ng Senado.

    Nagsimula ang kanyang karera sa pulitika bilang isang halal na kinatawan ng Ilocus Sur noong 1919 at naging senador noong 1925. Siya ay muling inihalal bilang senador noong 1931. Si Qurino ay isa sa mga miyembro ng mga delegado na tumulong sa pagpasa sa Tydings-McDuffie Act na sa huli ay nagbigay daan patungo sa Kalayaan ng Pilipinas. Naging bahagi ng kombensyon si Quirino na naghanda ng konstitusyon para sa bagong Philippine Commonwealth. Siya ay pinili ni Pres. Quezon na maging Kalihim ng Pananalapi. Nang maglaon, siya ay naging Kalihim ng Panloob sa gobyerno ng Komonwelt. Nang siya ay nahalal bilang Bise Presidente ni Roxas, nagtatrabaho siya bilang Kalihim ng Pananalapi at naging Kalihim ng Ugnayang Panlabas.

    Si Quirino ay nabihag at nabilanggo noong panahon ng pananakop ng Hapon dahil sa kanyang pagtutol sa pananakop. Ang kanyang asawang si Alicia Syquia at ang kanilang tatlong anak ay pinatay ng mga sundalong Hapon. Matapos ang digmaan, muling nakuha niya ang kanyang lumang posisyon sa gobyerno. Siya ay inihalal na Bise Presidente noong 1946 kasama si Manuel Roxas. Gayunpaman, naging presidente ng republika si Quirino nang namatay ang noo’y kasalukuyang presidente na si Manuel Roxas. Tumakbo muli si Quirino para sa pagka pangulo sa halalan ng 1949 at nanalo laban sa kandidato ng Nacionalista.

    Sa panahon ng pagkapangulo ni Quirino, ang kanyang pamahalaan ay may dalawang pangunahing layunin: ang mabawi ang tiwala at kumpiyansa sa pamahalaan, at ibalik ang kapayapaan at kaayusan. Nakakalungkot lang na ang kanyang pamahalaan ay nakaranas ng masamang publisidad, at sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Pilipinas, isang impeachment trial o layuning pagpapatalsik sa puwesto ang isinampa laban sa pangulo dahil sa isang ginintuang arinola umano ang binili ni Quirino sa isang malaking halaga gamit ang pera ng gobyerno.

    Ang kanyang anim na taong pamamahala bilang pangulo ay kinikilala dahil sa mga pagbabagong-tatag pagkatapos ng digmaan, pangkalahatang mga kita sa ekonomiya at mas mataas na pang-ekonomiyang tulong mula sa Estados Unidos. Gayunpaman, ang mga problema mula sa mga panlalawigang lugar at iba pang mga problema sa lipunan ay nanatiling hindi nalutas. Ang gobyerno sa panahon ng kanyang termino ay nabahiran ng nakawan sa pamahalaan at katiwalian.

    Ang pagtakbo ni Quirino para sa pangalawang termino noong 1949 ay pinaniniwalaan na isa sa pinakamaruming halalan na naganap sa bansa – kasunod ng halalan noong 1969 kung saan nanalo si Ferdinand Marcos sa pamamagitan ng napakalaking pandaraya at pananakot. Sa halalan noong 1953, si Quirino ay natalo ng isa sa mga pinakadakilang pangulo sa kasaysayan ng Pilipinas, si Ramon Magsaysay.

    Sa kabila ng lahat ng kontrobersiya sa panahon ng kanyang pagkapangulo, ang kanyang administrasyon ay kinikilala para sa mga proyekto nito sa mga pakikipagsapalaran sa industriya, pagpapalawak ng patubig at pagpapabuti sa sistema ng kalsada, pagtayo ng Bangko Sentral at panlalawigang bangko, at kapayapaan sa pagitan ng Pilipinas at Japan. Matapos ang kanyang pagkatalo, bumalik siya sa buhay ng isang normal na mamamayan. Namatay siya noong Pebrero 28, 1956 sa kanyang tahanan sa Novaliches.

    -->

    Ang ika-anim na pangulo ng Pilipinas, si Elpidio Quirino, ay isinilang noong Nobyembre 16, 1890 sa Vigan, Ilocos Sur. Natapos niya ang kanyang antas sa batas sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1915. Nagsimula ang kanyang misyon na tumulong sa kapwa nang siya ay naging guro sa isang baryo sa Vigan, at sinundan ng isang katungkulan […]

    Talambuhay Buod ni Emilio Aguinaldo – Pangulo ng Pilipinas



    Si Emilio Aguinaldo (Emilio Famy Aguinaldo, Sr) ay isang rebolusyonaryong Filipino, politiko, at isang lider ng militar na kinikilala bilang opisyal na unang Pangulo ng Pilipinas (1899-1901) at unang presidente ng isang konstitusyunal na republika sa Asya. Pinamunuan niya ang pwersa ng Pilipinas sa unang laban sa Espanya noong mga huling taon ng Rebolusyong Pilipino (1896-1898), at pagkatapos ay sa Digmaang Espanyol-Amerikano (1898), at sa wakas ay laban sa Estados Unidos sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano (1899-1901) . Siya ay nahuli sa Palanan, Isabela ng pwersang Amerikano noong Marso 23, 1901, dahilan upang magtapos ang kanyang pagkapangulo.

    Noong 1935, tumakbo si Aguinaldo sa pagkapangulo ng Philippine Commonwealth subalit siya ay natalo ni Manuel Quezon. Matapos sumalakay ang mga Hapones sa Pilipinas noong 1941, nakipagtulungan siya sa mga bagong pinuno at umapila pa sa radyo para sa pagsuko ng mga pwersa ng Amerikano at Pilipino sa Bataan. Siya ay naaresto bilang isang tagatulong ng mga Hapones matapos ang mga Amerikano ay bumalik ngunit sa kalaunan ay napalaya sa isang pangkalahatang amnestiya.

    Talambuhay ni Emilio Aguinaldo
    ( Biography Summary of Emilio Aguinaldo )

    Si Emilio Aguinaldo ay ipinanganak noong Marso 22, 1869 sa Cavite el Viejo (kilala ngayon sa tawag na Kawit, Cavite). Ang mga magulang niya na sina Carlos Jamir Aguinaldo at Trinidad Famy Aguinaldo ay mag-asawang mestizo Tagalog-Tsino at may kaya sa buhay. Ang kanyang ama ay ang inatasang gobernadorcillo ng komunidad (munisipal na gobernador) sa administrasyon ng Espanyol kolonyal. Nag-aral si Aguinaldo sa Colegio de San Juan de Letran ngunit ay hindi niya nagawang tapusin ito dahil sa pagsiklab ng kolera noong 1882. Si Emilio ay naging “Cabeza de Barangay” ng Binakayan, isang punong baryo ng Cavite el Viejo noong siya ay 17 taong gulang lamang upang maiwasan ang pagiging sapilitang kawal.

    Si Emilio Aguinaldo sa harap ng limang piso.
    ( Emilio Aguinaldo in front of the five peso bill )

    Noong 1895 ipinatupad ang Maura Law para sa bagong tatag na lokal na pamahalaan. Sa edad na 25, si Aguinaldo ay naging unang “gobernadorcillo capitan municipal” (Municipal Gobernador-Captain) ng Cavite el Viejo  habang nasa business trip sa Mindoro. Noong Enero 1, 1896, pinakasalan niya si Hilaria del Rosario (1877-1921), ito ay ang kanyang ikatlong asawa. Sila ay may limang anak: sina Carmen Aguinaldo-Melencio, Emilio “Jun” R. Aguinaldo Jr, Maria Aguinaldo-Poblete, Cristina Aguinaldo-Linggo, at Miguel Aguinaldo. Si Hilaria ay namatay sa sakit na ketong noong Marso 6, 1921 sa edad na 44. Siyam na taon ang nakalipas, noong Hulyo 14, 1930, pinakasalan ni Aguinaldo si Maria Agoncillo sa Barasoain Church. Namatay si Maria Agoncillo noong Mayo 29, 1963, isang taon bago si Aguinaldo mismo ay namayapa rin noong Pebrero 6, 1964.

    -->

    Si Emilio Aguinaldo (Emilio Famy Aguinaldo, Sr) ay isang rebolusyonaryong Filipino, politiko, at isang lider ng militar na kinikilala bilang opisyal na unang Pangulo ng Pilipinas (1899-1901) at unang presidente ng isang konstitusyunal na republika sa Asya. Pinamunuan niya ang pwersa ng Pilipinas sa unang laban sa Espanya noong mga huling taon ng Rebolusyong Pilipino […]








    TRAVEL



    TECHNOLOGY



    NETWORKS


    BUSSINESS SALE


    FASHION EVENTS


    NEWS



    RECENT POSTS

  • Royal Brunei Airlines seamless connectivity flights
  • How to Protect Yourself from Debit Card Fraud
  • Sony Bravia FullHD LED TV for 2020 Reviews and Specs
  • Audi Allroad Luxury Wagon
  • Air Asia Zest 99 Pesos Promo Fare for December to April
  • Kaspersky Total Security for PC, Android and iOS
  • Cambridge Audio Bluetone 100 Wireless Speaker with Powerful Audio
  • Apple iPhone 7 with Quad-Core and 2 GB RAM
  • The new Globe LTE Mobile WiFi with Free Internet now on Promo Sale
  • Avail of FREE Wi-Fi access daily with Globe GoWiFi Promo

  • SHOPPING PROMO


    CARS ON SALE


    Categories


    Topic Tags